Technobiography

Mobile phones, services and applications. PCs, PDAs, Wi-Fi, Bluetooth, Internet, gadgets, electronics, photography. A technology-life journal ... Relaxed prose, sometimes witty, sometimes funny, reflective and insightful. Short and sweet. Filipino.

Thursday, June 23, 2005

Techie Drayber: MangGyber

May Jeepney driver na blogger! Oh yeah, it's true!

Nag-aabang ako ng jeep sa may Boni. Nang may dumaan na jeep, malakas ang sounds. Nung pumarada siya para magsakay, nakita ko yung splasher sa likod ng jeep. Nakasulat:
Blog ang Mundo!
Heto na Gnebra! ;-p

At may Jeepney driver na MangGyver! Check out mo ng husto ang kanyang soundz systemz:
CD Player sa Jeep ni MangGyber!
CD Player sa Jeep ni MangGyberIngredients: Konting gupit, konting electrical tape, konting masking tape, maraming diskarte

Yup yup yup, that's a CD-ROM drive. Ginagamit niyang CD Player yung ...Asus 50x CD-ROM drive. Ayos ba? Aztig, 'di ba?

Make your own CD player
May naka-plug na earphone jack dun sa audio-out ng CD-ROM drive. Tapos naka-splice yung earphones papunta dun sa "on-board" radio. Tapos kumpleto ang speakers niya, mula woofer hanggang ... ano na nga ba'ng tawag dun sa maliit na speaker na matinis ang boses parang ibon? .... Ayun, tweeter!

Napaka-ganda ng soundz niya mula dun sa CD-ROM drive niya na pati ako ay napapa-kanta na rin sa tugtog niyang (pirated) CD ng Sting.

Aztig, 'di ba? Hyan ang Pinoy, ma-abilidad! Ginagamit ang teknolohiya para pagsilbihan ang mga tunay na mahalagang bagay. Mahalagang bagay tulad ng soundz. Sabi nga nung isang billboard: "No music, No life!"

MangGyber ka, Mamang drayber! Itaas mo!

Read: Techie Lola, Techie Grrrrl
Search Technobiography: other Techies (pwera Agbayani)
Abangan: Techie trike
Tomorrow and next monday: Smart Money Revisited

MangEdong

5 Comments:

  • At 5:59 pm, Blogger Jepoy said…

    5 or 6 years ago nung nasira yung CDROM ko, hiningi sya ng Tatay ko. Sabi ko, tapon ko na yan. Sabi nya, "wag, maganda tong CD-player sa kotse.."

    After ilang days, nakakabit na sa kotse namin yung CDROM. Mas maganda pa nga yung mga CDROM kaysa sa mga CDplayer.. nde tumatalon. hahaha!

    Sana nakuha mo ung blog ni manong drayber ^_^

     
  • At 8:33 am, Blogger Edwin "ka edong" said…

    jepoy!

    takot ako sa iyo. 2 minuto pa lang naka-post ang article ko, may comment ka na. scaaarrryyyy! ;-)

    pag-itatapon niyo na ang kotse niyo, sabihin mo sa akin. kukunin ko yung CD player niyong CD ROM! hahaha!

    pagandahan ng smiley!
    (_._) hehehehe .....

    MangEdong

     
  • At 11:53 am, Blogger Jepoy said…

    may "lastikfantastic signal" din ako. Talo ko yung BatEdong sigal

    (_|_)

    :~)

     
  • At 8:43 pm, Blogger monicai said…

    hahaha astig! hi tech nga.

     
  • At 3:57 pm, Anonymous Anonymous said…

    i rode a jeep from Greenhills to EDSA yesterday and it has the same setup. i thought this was the jeep you featured but the brand of the CD-ROM is LG and not Asus.

     

Post a Comment (comments posting disabled)

Technobiography has moved!
Please visit Technobiography's New Home
and update your bookmarks. Salamat!